Minsan akala mo maayos na pero hindi pala.
Minsan akala mo dahil nag usap na, malinaw na pero hindi pala.
Minsan akala mo masaya na kasi nakangiti pero hindi pala.
Minsan akala mo masasagot na dahil nagtanong ka pero hindi pala.
Minsan akala mo pwede pa maayos dahil gusto mo pero hindi pala.
Minsan akala mo makakatulong dahil nakatulong dati pero hindi pala.
Minsan akala mo makakalimutan mo na lang dahil gusto mo pero hindi pala.
Minsan akala mo madaling gawin dahil kusang loob mong ginagawa pero hindi pala.
Minsan masyado lang tayong maraming akala na akala natin eto na yun. Pero minsan, yung mga akala natin ang nagiging kakambal ng patuloy na sakit. Akala ko kaya ko dahil kinakaya ko. Pero di pala yun ganun.
Minsan kailangan natin ng panahon matahimik, mag-isip at makinig. Akala natin lahat ng tulong ay nakakatulong. Pero minsan, kailangan lang natin ng tapik at marinig na magiging maayos ang lahat.
Minsan nakakapagod na. Time out muna sa buhay. Pero di ganun eh. Walang time out dito. Lalong lalo nang walang sub. Laban mo to. Panindigan mo. Sabihin mong kaya mo! Sa huli, manalo ka man o matalo, basta ba't alam mong sinubukan mo, minsan yun lang.. Akala mo kulang pa yun pala tama na.