Buhay na parang life

7/28/2015 10:49:00 PM

May mga panahon na di gaano natin alam kung ano dapat isipin. Dahil medyo lito tayo, sasabihin natin bigla na "Lord, bigyan mo naman ako ng sign." Pero kung minsan, alam naman talaga natin kung anong gusto natin at madalas, humihingi tayo ng mga dahilan upang mapanindigan kung ano yung gusto natin.

Minsan ba naisip mo na nakakalito yung mga signs na binibigay sa'yo ng Diyos? May mga panahon na tila ba pabago-bago ang sinasabi sa'yo? Nakakalito nga ba or sadyang ikaw lang ang nagpapalito sa sarili mo?

May mga pangyayari sa buhay na di na kailangan pang hingan ng sign galing sa Diyos. Minsan kasi masyado lang tayong bulag o nagbubulag-bulagan sa kung ano talagang nangyayari sa buhay natin. Hindi pa tayo handang tanggapin na ito na talaga. Ito na, teh! Tama na siguro. Haha.

Ok naman sana eh pero parang hindi. Pwede na sana pero hindi parin eh. Eh anong problema? Hindi ko din alam. Kaya tama na.

Laging sinasabing maiksi lang ang buhay at lumilipas ang panahon. Ganoon talaga. Matuto ka. Kung hindi ngayon, hindi bukas, baka next year? Haha. Di nga. Malay mo, di lang talaga meant to be. :)


You Might Also Like

0 comments